Epekto ng Noli Me Tangere sa Kasalukuyan

         
         Ang pag-aaral ng Noli Me Tangere ay ginawa ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal upang imulat sa ating mga Pilipino ang mga problema at suliranin ng ating bansang Pilipinas. Pinag-uusapan dito ang napakaraming suliranin ng bayan na hindi natutugunan ng mga mamamayang Pilipino sapagkat sila ay nabubulag mula sa katotohanan dahil kapag nalaman natin itong mga atotohanan ay mabubuwag na ang samahan ng mga makapangyarihan. Kapag lumaban ang tinaguriang “mang-mang” na mamamayang Pilipino, makakamit nila ang kinaaasam-asam nating kalayaan.

        Sa katauhan ni Ibarra ay nakita ko ang personalidad ni Jose Rizal. Nakita ko ang isang edukado, matipuno, matapang, maka- Diyos at pagiging makabayan.


        Madami rin akong naunawan ukol sa ating bayan na ipinapaliwanag ng Noli Me Tangere. Totoo ngang makaiba ang bayan noon sa bayan ngayon ngunit dahil sa Noli Me Tangere ay natutununan ko na mayroon mga bagay na problema noon ay problema parin hanggang ngayon tulad ng diskriminasyon sa tao, korupsyon, pag-aalsa, mga hindi makatuwirang batas, mga umaayon sa makapangyarihan, mga lihim na gawain at iba pa.

        Sa lahat-lahat, ito ay isang asignaturang hindi lang nakapagbibigay ng imformasyon kundi nagbibigay din ito ng tulong pang mabukas ang isipan natin na gumawa ng mga magagandang pagbabago sa ating bayan. Bilang mga mag-aaral ay nakakatulong ang pag-aaral ng Noli Me Tangere sa paghubog ng katayuan natin dito sa atin bayan. Makikita natin na magsisimula lamang ang pagbabago sa ating mga kabataan. Maganda ang nilalaman ng Noli Me Tangere na gusting ipahiwatig ang mga problema sa ating bansa. Gusto lamang nitong isaad na ang kanser ng lipunan ay kailangan nang mawala sa pamamagitan ng edukasyon. Edukasyon na bubuo sa pagkatao ng isang mamamayang Pilipino na makakagawa ng mga magagandang pagbabago dito sa bayan na kapag nagpatuloy ay maiaangat na ang kinabukasan nito at magiging kilala bilang maunlad na bayan at hindi bilang lupa ng problema.

Comments

  1. Straight to the point sana. Maganda na rin.

    ReplyDelete
  2. Straight to the point sana. Maganda na rin.

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. HAHAHAHAHAHAHAHAHAH BOLOK NO?

      Delete
    2. Gi atay, patakag abot. Layoas question ija answer😅

      Delete
  4. Inshort: ito ay nagbigay at patuloy na nagbibigay ng impormasyon at tulong uoang mabuksan ang isipan natin na gumawa ng kabutihan at magandang pagbabago sa ating bayan

    ReplyDelete
  5. What you know about rolling down in the deep

    ReplyDelete
    Replies
    1. when your brain goes numb you can call that mental freeze

      Delete
  6. asan yung sagot mga lods?🤡🤡

    ReplyDelete

Post a Comment